Make Something Diffferent. Make Your Friend Your Family

Thursday, April 28, 2005

A song from the heart

You're The Only One I Will Love
by: Mary Grcae Rebugio
You're so far but here I am always hoping that
one day you and I will have a chance to stay
Here I am no matter what they say
Still wishing and wishing that your heart will
contain me someday
I will be here with you forever
I will be by your side even if you don't know
'cause my heart and my mind agreed that
you're the only one, the only one I will love
And if there's that day that you'll see me begging
for your love and refuse it to give
It's okay
I will be here with you forever
I will be by your side even if you don't know
'cause my heart and my mind agreed that
you're the only one, the only one
I'll still be here with you forever
I will be by your side even if you don't know
'cause my heart and my mind agreed that
you're the only one, the only one I will love
Currently feeling: restless

Another Song Deep Within Me


Beginning To Fall For You
Eventhough there's no way for you to love me
i'll still choose to be with you
eventhough you love someone
i'll still be here and understand
all i want is that even if you don't mean a think
you let me see the little care you bring
i don't ask you to love me
but let me say a thing
i'm beginning to fall for you
and maybe someday
somehow I'm deeply in-love with you
But when the time will come that you realize you love me too
i wish that i had passed away
and let this be the word i say
i love you
and i'm happy that you stay
i don't ask you to love me
but let me say a thing
i'm beginning to fall for you
and maybe someday
somehow I'm deeply in-love with you

Currently feeling: impressed

Tuesday, September 14, 2004

Buhay puso, Buhay pag-ibig

(gusto ko itong isulat nang tagalog kasi mas may puso ang mga salita, mas mararamdaman nyo kung sino man mapadpad dito) katatapos ko lang magbasa ng blog ng friend ko( friend pa ba kaya nya ako?) nafeel ko lang kung gaano kabigat yung nararamdaman nya ngayon, sadya nga sigurong mahirap at matagal bago ka makarecover sa isang heartache, siguro I can relate this sa relationship natin kay God as the priest says nung sunday na kapag tinalikuran daw natin si God mahirap din bumalik sa kanya parang pag naglakad tayo ng 1 kilometer hindi rin tayo makakabalik sa pinanggalingan natin ng hindi tayo maglalakbay ng ganun din kalayo, mapapabilis siguro kung sasakay tayo, at sa buhay natin, ito ay ang mga taong tutulong satin para magbalik loob sa Diyos, ngunit kung hindi natin sila papayagang tulungan tayo paano mapapadali ang pagbabalik natin? Ganun din pag nagmahal tayo if we closes our heart to other people at kung hindi natin hahayaang damayan tayo ng ibang tao paano mapapadali ang paglimot natin dun sa nagdulot satin ng sakit, hindi kasi tayo nabuhay para lang sarilinin ang problema meron at merong taong nakalaan para tulungan tayong paghilumin ang mga sugat na namuo sa ating puso, pero hindi ibig sabihin na maghanap ulit tayo ng taong mamahalin, hindi ba ang pag-ibig ay kusang dumadating? kung laan na sa atin ang taong iyon kahit na anong mangyari siya at siya parin yung taong magmamahal at mamahalin natin habang tayo ay nabubuhay. Gaya nalang ng karanasan ko, nagmahal ako sa unang pagkakataon at matalik ko pang kaibigan, mahirap talagang magmahal ng taong may nagmamahal na. sinabi ko sa kanya kung anong nararamdaman ko ngunit hindi na umasang mamahalin pa, at narinig ko ang mga salitang inaasahan ko at hindi ko inaasahan at malamang hindi niya ako mahal ni pagtingin wala, pero siyempre mahal niya ako bilang kaibigan ngunit hindi ko inaasahang mas magiging matatag pa ang friendship mamin, siguro nga nakalaan lang kami bilang magkaibigan....matagal ko siyang minahal and to be exact 10 years at sa tagal na iyon malamang napakahirap kalimutan ang ganun kahabang panahon.... masakit mahirap at sobrang nanlulumo ang aking naramdaman lalo na tuwing ikinekuwento niya sa akin ang pagaaway nila mas ako ang nasasaktan hindi nyo lang alam kung gaano kasakit, hindi maipaliwanag ngunit maraming taong tumulong sakin para kalimutan siya pero ang pagkakamali ko ay naghanap ako ng hahalili sa kanya at ganun ulit ang nangyari sa akin hindi natinag at walang kapagurang nagmahal ulit...... nagmahal ako sa ikalawang pagkakataon at ibinaling ko sa kanya ang lahat ng pagmamahal na inalay ko sa bestfriend ko at sa sandaling panahon minahal ko siya ng buong-buo at ang kinalabasan, ako nalang na naman ang nagmahal(natural hindi na naman alam nung taong iyon na mahal ko siya). ngayon pinipilit ko siyang kalimutan at hinahayaan ko lang na tulungan ako nang mga kaibigan ko. hindi rin ako naghahanap ng kapalit niya sa puso ko dahil ayaw ko nang mangyari na ako lang ang nagmamahal dahil nga masakit. ang gusto ko pagnagmahal ulit ako may magmamahal na din sa akin dahil mahirap din ang magmahal ng hindi ka rin mamahalin...... at mahirap kapag binaling mo lang ang pagmamahal na galing sa mas nauna mong minahal dahil baka hindi tunay ang nadarama mo sa susunod na mamahalin mo....kaya sisiguraduhin ko na mahal ko ng lubos ang isang tao, pero sa ngayon nasa healing process parin ako hindi ko sinasabi na aalisin ko yung pagmamahal ko sa kanya pero hahayaan ko nalang may sumuyo sa puso ko at isang araw nalang ay makadama nalang ako ng pagmamahal para sa taong iyon(kung sino man iyon, kung siya rin ikakatuwa at ipagpapasalamat ko). kailangan lang siguro nating tanggapin na wala na yung taong minamahal natin at buksan ang ating puso para magmahal ulit ngunit gaya nga nang sinabi ko kanina hindi dapat maghanap kundi hayaan ang panahon ang magtakda ng taong magmamahal sa atin at mamahalin natin... huwag nating isiping wala nang taong dadating pa sa buhay natin but just hold on because there will come a time nga that that person will come, at huwag nating idown tayo ng nararamdaman natin, siguro magfocus muna tayo sa ibang bagay sa mga friends siguro, hayaan nating maging masaya sa piling nila, hayaan nating sabihin nila ang sympatya nila sa atin at siyempre dapat din nating isiping mahal nila tayo kaya nila sinasabi ang mga ito.hayaan din nating damayan nila tayo...... Ask for God's Blessing and may God Bless as all!!!!!! I loveyou all guys!!!!!joie,joie,dhes,jack,ysa,rackie,amie,neki,rhien,joanna,avon,rhea,eric,
jay-r,carlo and to all my bestfriends!!!!!!! you're always here in my heart no matter what happen!!!!! iloveyou iloveyou iloveyou....thanks thanks thanks!!!!!!!

Thursday, September 09, 2004

Nakangiti parin!!!!

I just got finished watching the Cinderella story, ang ganda kahit na alam ko na yung story, pero mangyari kaya yun sa totoong buhay? may ganung klase pa kayang lalake? ay nga pala modern cinderella story nga pala yun hindi yung sapatos ni cinderella yung naiwan yung cellfone nya at internet ang connection nila parang chat mate ganun na nga chat mate nga sila but they do know na they are in same school and yung guy dun, ay isang football player and then yung girl na si Sam(cinderella) who is just a typical student lang tapos they decided to meet dun sa "costume party" pero nung aalisin na nung guy yung suot na mask nung girl eh biglang nagalarm yung fone nung babae which means na kailangan na nyang umuwi and then yun na, nahulog yung fone nung girl tapos sya ang nakapulot, hinanap nya kung sino sa campus yung girl and he even produce a lot of "wanted" leaflets at talagang binigyan nya ito ng effort to look for the cellfone's owner(ang sweeeeeeet....kinikilig ako.... hay!!!!!) pero hindi nya akalaing sa isang program masisiwalat kung sino yung girl at nung nalaman nya na si Sam yng girl parang nadisappoint sya nung una pero ganun talga ang puso pag na-inlove ka na wala ka ng pakialam kung sino ang nasa paligid mo, hindi mo na papansinin kung ano ang sasabihin ng ibang tao,pero yun na nga mahal nya talaga, ni ano na nga ulit yung name nun? a basta yung guy..... hay sana lang naintindihan nyo kung ano ibig kong sabihin!!!!!!!! magulo kasi yung pagkakakuwento ko eh basta!!!!!! basta gusto ko ng ganung guy, kung meron pa!!!!yun bang hindi lumilipad yung ego, you know what i mean..... yun bang nakalapat yung paa sa lupa.......hehehhehe,,,,,,,,,basta pagnakahanap ako ng ganun, siguro ako na ang pinaka masayang babae sa balat ng lupa, katulad din ni Sam ako kasi ay isang typical lang na studyante ayyyyyyyyyyy mali pala kasi kakaiba pala ako ibang klaseng kakaiba di nga tulad ng iba ako'y hamak lamang na mataba at panget na babae sa campus pero taong may puso at sobra sobrang magmahal, higit sa lahat may takot sa Diyos!!!!! (I love you LOrd)
Music of the Moment: don't know what to do don't know what to sayCurrently feeling in a world of my own.

Realize something!!!!


First of all I would like to thank tabulas dahil bumalik na ulit, kahapon kasi alang tabulas at naisip ko na ang hirap pala na walang tabulas, nasanay na kasing palaging nagsusulat dito eh..... by the way bago kung saan pa mapunta ang isusulat ko, about what I have realize nga pala, mahirap pala talagang magassume na kaibigan mo ang isang tao tapos sila pala parang kinakahiya ka nilang maging kaibigan.... ang hirap palang sumunod-sunod lang sa kanila and they did not even notice na nagmumukhang tanga ka na.....Ang hirap pala kapag you didn't clear from them kung kaibigan mo sila kasi ituturing ka lang na balewala at kung sinu-sino nalang, ang hirap kapag nakahanap sila ng ibang set of friends para ka nalang hangin na dinadaandaanan nalang even thier smile are not real (napaka plastic) isa pa pag di nakaharap yung bago nilang friends para silang maamong tupa na lalapit sayo and then pag nandiyan na ulit you're like a bubble na naman.....
Currently feeling disappointed.

Friday, August 13, 2004

I have to move on..........

Galing ako sa tambayan kahapon matagal na rin kasi akong di nakakadalaw dun nang matagal. i was so happy na malaman na free ako tuwing thursday, natapat kasi na AG(action group) nung isang group makakaatend ako!!!! yehey!!!!!!! gumagawa talaga ng paraan si God na makatambay ulit ako dun. Kahit ano talaga ang mangyari babalik at babalik ako sa CYA tambayan..... sobrang napamahal kasi sakin yung place na yun paano dun ko sobrang nararamdaman ang presence ni God...... I have to commit sa mga sister na aatend ako every friday at naisip ko din na kailangan ko na rin talagang bumawi sa kanila lalo na kay God kasi lately di na maganda yung kuwentuhan namin ni Bosing!!!!!!!!!! naitanong ko nga sa sarili ko lately na bakit kailangan ko munang maramdaman yung sakit na nararamdaman ko bago ako humingi nang tulong sa kanya?????? and now I have the answer, sabi nya sa akin " sabi ko na naman sayo eh di kita pababayaan kahit medyo nakakalimutan mo ako this pass term eh nandito lang ako handang umalalay sayo and that's a promise" at sabi ko nga kay Lord eh sobrang pasasalamat ko sa kanya na sa kabila nang lahat eh nandun parin sya para sakin.

Sunday, August 01, 2004

not feeling well

i got finish watching the prince and me and have some sticks of cigarette pero di naman ako natulungan mas lalo lang lumala yung nararamdaman ko. I have something to ask, why is it that we have to feel bad???? bakit pa kasi kailangan pa nating makaramdam ng sakit???? by the way ala naman talaga akong karapatan na magselos eh di ko naman boyfriend yung tao, buti nalang ala syang alam kasi mamamatay ako sa kahihiyan, eh tipong ipapahiya nya pa ako sa kapal ng mukha ko na sya pa ang pangarapin ko........... eh sa panget kong ito natural lang na ipahiya ako.........sabi nga nung isa kong friend eh ala naman akong magagawa ganun lang talaga ang buhay maghintay nalang daw ng taong magmamahal sayo......It's very hard to feel like this, i can't think well, my mind is disturb, i even don't sleep well masakit na sa ulo masakit pa sa dibdib...........sige na